
Labels: Feelings

Labels: Personal
1. What do you think is your physical asset?
• My smile. =)
2. What color do you like most?
•Blue.. and Red.. and Black=)
3. Have you ever shoplifted?
• Nope. Why would I?
4. What is your greatest fear?
• to loose all the people that I dearly love
5. Which part of you that you hate the most?
•being impatient hehehe..
6. When you encounter a sad moment, what do you do?
• cry
7. What are you afraid to lose the most?
•My family, my bf , and my friends
8. If you win $1 million, what would you do?
•I'll buy house for my family in a posh subdivision and save the rest for my future family =)
9. How can you help fight global warming?
• Recycle :D
10. List out 3 good points of the person who tagged you:
•I really don't know her personally but I think *as my observation and instinct*, she's nice, bubbly and a blog addict
11. How do you cope with boredom?
• Surfing the net!
12. Till now, what is the moment that you regret the most?
• helping other people .. because after you help them they will throw you like a shi*
13. Which type of person do you hate the most?
•Copycats, backstabbers
14. What is your ambition?
•to be one of the best programmer Philippines ever produce
5. If you had one wish, what would you wish for?
•To have a very much successful career
16. What would you prefer? a brother or a sister?
• brother….
17. What book do you like the most?
•Adventure. romance
18.How would you describe your life in three words?
•Simple and contented
19. What would u prefer the most, blogging or cuddling?
• blogging….
20. Do you like the one who tagged you?
•Yeah because she looks so bubbly
….
Okay I am tagging
Ate Karen, Ate Mei, Sandylove, Ate Quing, Mia, Xyla, Rainne, RachelleLabels: Questions
Para sa nalalapit na espesyal na Araw ng mga Nanay, aking ibinibigay ang espasyo na ito para sa aking butihing ina.
Noong 2 ½ na taon pa lang ako, pinanganak ang aking bunsong kapatid pero sa isang hindi malamang dahilan, nagkasakit ang aking kapatid at ayon sa mga doctor na sumuri sa kanya meron siyang congenital heart disease. Isa itong sakit na merong bahagi ng puso ng isang tao na butas. Sobrang lungkot ng nanay at tatay ko. Sino ba namang magulang ang hindi maawa sa anak nila sa kung anu-anong mga nakakabit sa katawan. Natatandaan ko nung bata ako, naiyak ako kasi naawa ako sa kapatid ko. Isipin mo ang liit liit ng katawan niya tapos ang daming nakakabit. Mahirap para sa magulang ko ang ganung sitwasyon, maliit pa ako at kailangan ng pag-aalaga ng magulang, ganun din ang aking kapatid na nangangailangan ng lubos na pagkalinga lalo na ng aking ina. Ang iba naming kabuhayan ay ibinenta na lamang upang maisalba ang buhay ng aking kapatid. Iniwan ako ng aking magulang sa kapatid ng aking lola upang sila muna tumingin at mag-alaga sa akin habang nasa ospital ang aking kapatid. Napakasakit iyon para sa isang ina. Ang mapalayo ang isang anak habang ang isa namang anak ay nasa ospital at hindi alam kung mabubuhay ba o hindi na. Sa awa ng Diyos nabuhay ang aking kapatid, ngunit siya ay napabilang sa mga sinasabing special child. Sinabi ng doctor noon na late ang development ng aking kapatid, ang kanyang pag-iisp ay kalahati ng kanyang edad. Matanda na ako bago natutong maglakad ang aking kapatid. Sa tuwina, tuwing kami ay magsisimba, kalong-kalong ng aking nanay ang aking kapatid. Mahirap dahil maliit lamang ang aking at may sakit pa siyang asthma. Hindi niya iniinda ang hirap mapasaya lamang kaming magkapatid. Lalong nahirapan ang nanay ko ng umalis ang tatay ko at pumunta ng Saipan upang doon ay magtrabaho. Hindi biro ang mag-alaga ng dalawang bata. Mahirap magbiyahe ng ang isang bata ay akay mo habang ang isa naman ay kalong mo.Naaalala ko kung paanong trainig sa akin ng nanay ko para masaulo ko ang multiplication table. Ayaw niyang ginagamit ko ang aking mga daliri upang makuha ang sagot. Tuwing hapon naman habang tulog ang aking kapaid, ay sinasanay niya ako magbasa sa wikang Ingles at Tagalog, kaya hindi nakakapagtaka na isa ako sa mabilis magbasa sa aming batch noong ako ay nasa ikalawa at ikatlong baitang. Itinuro niya sa akin ang kahalagahan ng edukasyon. Sabi nga niya sa akin, hindi kami mayaman, wala siyang maiiwan sa akin kung hindi isang mgandang kinabukasan na siya ang huhubog at ako ang gagawa. Kaya naman lagi kong iniisip na dapat ay matataas ang aking marka dahil gusto kong makitang masaya ang aking mga magulang. Noong nasa kolehiyo ako, pasumandaling nakalimutan ko ang aking pangako sa aking magulang. Bumaba ang aking marka ngunit sa huli ay nabawi ko rin. Nakita kong masaya sila noong nakatapos ako. Ngayong may trabaho na ako, gusto ko ako na ang nagbibigay sa kanila, ayoko ng maging pabigat sa aking magulang. Kaya nga kung ano ang hilingin ng akingmagulang ay aking binibigay.
Hindi sapat ang mga salita upang pasalamatan ko ang aking mga magulang lalo na ang aking ina. Napaka swerte ko at siya ng aking naging nanay. Malaki ang pasasalamat ko dahil kung hindi dahil sa kanila ng aking tatay ay hindi ko mararating ang kung nasaan man ako ngayon.
Maligayang Araw ng mga Ina, Nanay!
Mahal na mahal po kita .=)
Tunay nga na wala ng hihigit pa sa iyong pagmamahal =)
Labels: Moms